Pati si Stella ay nagulat din sa sinabi ni Phrixx. Wala sa isip niya na sasabihin ni Phrixx iyon sa maraming tao. Dahil wala ring kaalam-alam ang mga tauhan nila sa hacienda na mag-asawa na silang dalawa. Pagkatapos niyang niyakap ng mahigpit si Stella ay hinawakan niyo ang kamay ng asawa. "Magandang araw po sa ating lahat, siguro po ay lahat kayo nan nandito ay nagulat sa nakita, gusto ko lang pong ipaalam sa inyong lahat na ako at si Stella ay legal na mag-asawa, at alam kong kilala niyo na siya mula pa pagkabata at hanggang ngayon. Sana kung paano n'yo ako, ituring na amo ninyo ay ganoon din kay Stella, dahil asawa ko siya." nakangiting wika ni Phrixx. Tahimik muna ang lahat at parang nakiramdam muna sila. Kilala nilang mabait na bata si Stella noon, at lumaki ma rin ito sa hacienda na