Galit na galit si Phrixx sa nangyari kay Stella, dito pa naman sa sarili nilang kumpanya mapapahiya ang asawa,at ngayon lang narinig ni Phrixx ang iyak ng asawa, mula noong bata pa si Stella ay never niya itong nakitang umiiyak sa lugar nila. Nakikita niya itong palaging masaya at malambing sa magulang at mga kapatid. Pinili niyang kapalit si Stella sa utang ng kanyang ama, dahil alam niyang maaalagaan niya ito hanggang nasa tamang edad na si Stella. Tapos ngayon ganito pa ang nangyari, hindi siya papayag na hindi mananagot ang may kagagawan nito kay Stella. Nakatingin sa kawalan si Phrixx sa maluwang nitong opisina nakatayo siya roon, at nakaharap sa maluwang na salamin sa kanyang opisina habang naghihintay na dumating si Edz. Ilang saglit lang ay dumating na ito, nasa loob rin sina Bren