Napapikit si Stella sa ginawang 'yon ni Phrixx, hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanyang paligid sa mga oras na iyon. Kung nananaginip man siya ay sana huwag muna siyang magising, imposible kasing hahalikan siya ni Phrixx, ni sa panaginip niya ay hindi niya pinangarap na hahalikan siya. Ang layo ng agwat nila ni Phrixx, at mas lalong malayo ang agwat ng kanilang pamumuhay, amo ng kanyang mga magulang si Phrixx at boss na rin niya, dahil mula noon pinanganak siya ay doon na sila nakatira sa hacienda ni Phrixx. " Pero hindi talaga ako nananaginip totoo lang lahat.' sa isip ni Stella. Dahan- dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata, nakita niyang nakangiti si Phrixx sa kanya. "May masakit pa ba sayo?" nakangiting tanong ni Phrixx. Hindi na niya talaga nakontrol ang kanyang sarili,

