Gulat na gulat ang lahat sa kanilang narining mula kay Phrixx, lalong lalo na si Jia. Hindi sila makapaniwala sa kanilang narinig. Ang iba ay nagbulong bulungan. Samantalang si Jia ay hindi makatayo sa kanyang kinatatayuan, lalo pa’t nagbanta si Phrixx. Kaagad siyang umalis sa kumpanya para takasan ang kanyang ginawa. Takot siya sa banta ni Phrixx kanina. Pero hindi pa rin siya naninila sa sinabi nito kanina. Malaking imposible kung papatulan ni Phrixx si Stella na nasa mababang antas lang ang pamumuhay. “Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa babaeng iyon.” Sambit ni Jia habang nasa kanyang kotse. — — “Doc, gawin niyo lahat please maging safe ang baby namin at ang asawa ko.” Pakiusap ni Phrixx sa Doctor. Tumango lang ang Doctor at pumasok na ito sa emergency room. Galit na ga