"Buntis ka?!" ulit ni Jia. "Wala kang pakialam kung buntis ako or hindi! sadyang mabaho ka lang talaga singbaho ng ugali mo!" inis na sagot ni Stella, sabay takip ng kanyang ilong at kinalma muna ang sarili. Ayaw niya muna ipaalam na buntis siya hanggat maaari. Nasa policies ng company nila na bawal ang buntis lalo kung disgrasya ang pagbubuntis, dahil nakakasira ng image ng company. "Tandaan mong bawala ang buntis dito kung wala kang asawa." ani Jia na may pagbabanta. "Paano mo nasisigurado na wala akong asawa?!" taas kilay na ani ni Stella. "Malalaman ko rin, at humanda handa ka ng babae ka!" ani Jia at umalis na ito. Habang naglalakad si Jia at may naisip itong plano. Hahanpin niya kung saan ang files at information ni Stella. "Humanda ka sa aking hampas lupa ka." sa isip ni Jia. "