“ANGELO!” Nanggigigil na si Nadja nang sa wakas ay lingunin siya ng binata mula sa kinasasakyan nitong kabayo. Kanina pa kasi siya umiikot ng SRC ngunit ngayon lang niya ito natagpuan. “Nakakainis ka na, ha? Ang sabi mo doon ka lang sa bahay mo? nang pinuntahan kita roon kanina, wala ka naman. Tapos pinaikot-ikot mo pa ako sa buong Stallion Riding Club! Ano ba ang problema mo? Pinahihirapan mo ako nang husto!”
Angelo maneuvered the horse to face her. “Nakalimutan ko lang na pinapupunta nga pala kita sa bahay kanina.”
“Nakalimutan?!”
“Oo. Ikaw din naman, nakakalimot minsan, hindi ba?”
“Huwag mo akong pilosopohin kapag ganitong pagod na pagod na ako sa kakahanap sa iyo!” Nanggigigil niyang iniabot dito ang bungkos ng mga bulaklak na ipinagawa nito sa kanya. “Hayan! Doble na ang bayad niyan dahil pinahirapan mo ako sa paghahanap sa iyo.” Inalog pa niya iyon nang hindi nito agad iyon kunin. “Napapagod na ako kaya ang mabuti pa, kunin mo na ito.”
“Bakit kasi hindi mo na lang iniwan iyan sa bahay? Imbes na nagpakahirap ka sa pagsunod-sunod sa akin.”
Gusto na niyang tumili sa sobrang frustration. Inis sa kanyang sarili dahil hindi niya naisip ang sinabi nito, at inis dito dahil naging excited siyang makita ito matapos niyang patulan ang sinabi naman nina Jigger at Ada. Wala talagang maidudulot na kabutihan ang pakikinig sa mga sabi-sabi. Just look at her now, she was feeling so tired and miserable for trying to locate him.
“Mga peste talaga kayong lahat!” sigaw niya. “Mamatay na kayo!”
But even before she could walked away, she saw Angelo dismounted his horse with one fluid movement. Hinawakan siya nito sa braso.
“Kung napapagod ka na, sumabay ka na sa akin. Malayo-layo rin dito ang Clubhouse.”
“Oo, alam ko. At kasalanan mo iyon!” Inihampas niya rito ang mga bulaklak. “Hayan ang mga bulaklak mo! Magsama kayo sa impyerno!”
Hindi ito umiwas kaya sa mukha ito tinamaan. Agad naman siyang nginatngat ng kunsensiya dahil nakita niya ang pagguhit ng dugo sa gilid ng pisngi nito.
“Ah…ano, ahm…”
“Hay,” ang tangi nitong nasambit nang makita ang bakas ng dugo sa idinampi nitong kamay sa nasaktang pisngi. “Hindi ko akalaing nagiging bayolente ka kapag napagod.”
“I, ah…s-sorry.” Sinubukan niyang punasan iyon ng kanyang panyo. “Ikaw naman kasi, bakit hindi ka umiwas? Iyan tuloy…”
“Ikaw naman kasi, bakit mo ako pinalo?”
“Nainis kasi ako sa iyo. Nakakapagod kaya ang maghabol sa iyo.” Tuluyan ng nabagbag ang kanyang kunsensiya. “Magpunta ka na lang sa clinic. Para masigurong hindi iyan maiimpeksyon. Sayang, guwapo ka pa naman.”
Natameme siya nang bumaling ito sa kanya. Ang guwapo, syet! Napaurong na naman siya palayo rito subalit sa pagkakataong ito, napigilan na siya nito sa kanyang beywang ng isa nitong braso. Lalong nagwala ang sistema niya.
“Malayo ang clinic dito,” wika nito na titig na titig pa rin sa kanya. “Mas malapit dito ang bahay ko. And Nana could take us there easily.”
“Nana?”
“My horse.”
“E…”
“Bakit?” Inilapit pa nito nang husto sa kanya ang mukha nito. Nanunukso rin ang mga mata nito. “Natatakot ka?”
Inilayo niya ang sariling mukha at iniharang ang mga braso niya sa pagitan nila. “B-bakit naman ako matatakot sa iyo? At tsaka, bakit ka ba lapit ng lapit? Kaya kong alagaan ang sarili ko, hindi ko kailangan ang tulong mo kaya puwede mo na akong pakawalan.”
“Sino ba ang nagsabing kaya kita hawak ngayon ay dahil kailangan mo ng tulong? Ako ang may problema ngayon at naninigurado lang akong hindi mo tatakbuhan ang responsibilidad mo sa ginawa mo sa mukha ko.” Inilapit uli nito ang mukha sa kanya. “Treat me gently.”
“H-ha?”
“Let’s go.”
Hindi na siya nakapalag pa nang igiya siya nito sa kabayo nito dala na rin ng tindi ng dating sa kanya ng ginawa nito. Hindi agad tuloy naka-recover ang sistema niya. Lalo pa nga at tila tuksong paulit-ulit na umiikot sa isipan niya ang imahe ng napakaguwapong mukha ni Angelo. Pati na ang kakaibang kislap ng mga mata nito kanina nang ilapit nito ang mukha sa kanya.
Medyo nahimasmasan lang siya nang tumayo ito sa likuran niya at hawakan siya sa kanyang beywang. “Wait!”
“What?”
“B-bakit…bakit mo ako isasakay sa kabayo mo?”
“Nasabi ko na sa iyo. Para madali tayong makarating sa bahay ko.” Isang beses pa siyang lumayo rito nang tangkain uli nitong lumapit sa kanya. “Ano na naman ang problema?”
“H-hindi mo ako puwedeng isakay sa kabayo mo. May rule kayo rito sa Stallion Riding Club.”
“Na?”
“Na ang sinomang babae isabay ninyo sa pangangabayo, siya ang…ang—“
“Ang pakakasalan namin?” He just gave her a mocking grin. “I don’t give a damn about some stupid rule. Isasakay ko ang sinomang babaeng gusto kong isakay, lalo na iyong gagamot sa sugat ko. Now, let’s move before I ran out of blood here.”
Sa pagkakabanggit nito sa sugat nitong siya ang may kagagawan ay napilitan na rin siyang sumunod dito. Madali siyang nakasampa sa likod ng kabayo dahil madalas din naman siyang nagpapaturo sa Kuya Neiji niyang mangabayo kapag wala siyang ginagawa. Pero ni minsan, hindi pa siya nagkaroon ng pagkakataong makasakay ng kabayo ng may kasama. Ngayon pa lang.
Angelo mounted and sat behind her. With the reign in front of them, he now had his arms on both her side, making her feel imprisoned. Naramdaman din niya ang paglapat ng kanyang likod sa katawan nito. Mariin siyang napapikit.
Bless me, Father, for I have sinned.
“Hang on,” bulong nito sa kanyang tenga na lalong ikinarambol ng utak niya. “Here we go.”
Wala na siyang pakialam kung umabot man sila sa bangin at mahulog doon. Sa palagay kasi niya, iyon na yata ang pinakakakaibang sandali sa kanyang buhay. Nakakalito pero napakasarap naman sa kanyang pakiramdam. Magulo pero parang nagugustuhan niya ang lahat ng iyon. She still has her eyes closed as gust of wind brushed her cheeks and clung to her long hair. Unti-unti na rin niyang nararamdaman ang pananahimik ng kanyang buong sistema habang nadarama niya ang init ng matatag na katawan ni Angelo sa likuran niya.
Ah…this feels good.
Goodness! Kung alam lang niyang ganon pala ang pakiramdam ng may kasamang mangabayo, sana pala ay noon pa siya nakiangkas sa mga miyembro ng Stallion Riding Club. But then, magiging ganito rin kaya kasarap ang pakiramdam niya kapag sa iba siya naki-angkas?