CHAPTER 11

1192 Words
“DAHAN-DAHAN lang.  Kapag nagkapeklat ako, lagot ka sa mga fans ko.” “Huwag ka kasing magulo at nang hindi ako magkamali.” “You’re smudging my whole face.” “Kaya nga huwag kang magulo—“  Natigilan si Nadja nang hawakan ni Angelo ang kanyang kamay.  “Ano ba?” “Pasmado ka ba?  Bakit nanginginig ang kamay mo?” Binawi niya rito ang kamay.  “Nasagot mo na ang sarili mong tanong.” Binalikan niya ang paglalagay ng antiseptic sa sugat nitong nagkataong galos lang.  Hindi siya pasmado.  Talaga lang hindi niya mapigilang manginig ang mga kamay niya ngayong halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ng binata.  Hindi rin niya alam kung bakit ganito ang reaksyon niya rito.  Kanina naman, habang nakasakay sa kabayo nito, kalmadong kalmado ang pakiramdam niya.  Ngayong magkaharap uli sila nito, saka kung ano-ano na naman ang nararamdaman niya.  Ang g**o talaga niya kahit kailan.  Grrrr!  Binitiwan niya ang bulak na may antiseptic na ipinapahid sa galos nito saka iwinisik sa hangin ang mga kamay. “Anong ginagawa mo?” “Huwag kang maingay.”  Pumikit siya.  “Nag-i-internalize ako.” “Ng ano?” “Basta.  Kailangang kong gawin ito o hindi ko matatapos ang paglalagay ng gamot sa sugat mo.”  She waved her hands in the air.  “Brrrrr!  Brrrrr!” “You look silly.” “Sshhh!  Huwag ka sabing maingay diyan.” “If your hands are cold, just say so.  Madali lang iyan solusyunan.” “Hindi naman—“   Hindi na niya naituloy ang sasabihin at napadilat siya nagn wala sa oras nang hawakan nito ang kanyang mga kamay at ikinulong iyon sa sarili nitong mga kamay.  Saka marahang binugahan ng mainit nitong hininga ang loob ng mga kamay nito kung saan naroon ang kanyang mga kamay.  The heat of his breath ran throughout her entire body.  Pagkatapos ay pinagkiskis naman nito ang kanilang mga kamay.  Habang ginagawa nito iyon ay walang imik lang niya itong pinagmamasdan. Why are you doing this?  Why are you making me…like you?   “Ayos na?” tanong nito nang balingan siya.  “Kung nilalamig ka pa, ikukuha kita ng mittens.  May mga spare ako riyan, bigay ng mga fans ko.” Oo, nagugustuhan na nga niya ito.  Dahil sa kabila ng pagiging bossy nito minsan, hindi naman maikakaila na madalas ay nakikinabang siya sa kakaiba nitong kabaitan.  Natawa na lang siya nang bawiin na ang kamay dito saka naupo nang maayos sa tabi nito.  Pinagmasdan niya ang magandang tanawin sa labas ng nakabukas na pinto ng bahay. “Ang weird mo, Angelo.” “Weird?  Ako?” “Oo.  I’m supposed to hate you, you know.  Dahil sinira mo ang pananahimik ko sa Picka-Picka.  At pinahabol-habol mo ako nang husto sa iyo na kahit kailan ay hindi ko ginawa sa kahit na sino, mapa-babae man o lalaki.” “Ganon ba?  And that’s what?  A good thing?” “Hindi, ‘no?” “So, what’s with the ‘I’m supposed to hate you’ thing?” Saglit niyang sinala ang lahat ng mga naiisip bago sumagot.  “Yeah, maybe I’m starting to like you—Pero hindi iyong as in gusto.  ‘Yun bang tipong gusto lang kasi…alam mo iyon?  ‘Yung mapapakisamahan na kita ng maayos.  ‘Yung hindi na kita sisigawan o hindi na ako magagalit sa iyo.  Ganon.  Alam mo iyon?” “You sound defensive.” “No, I’m not.  Nagpapaliwanag lang ako.” “Then you’re overdoing it.  Pakiramdam ko tuloy, parang may itinatago ka kaya ka nagpapaliwanag nang husto.” Nilingon niya ito at inipit ng kanyng kamay ang baba nito bago puwersahang ibinaling sa kanya ang mukha nito.  “Akala mo lang may itinatago ako.  Pero wala, wala, wala!” Siya na rin ang sumampal dito para kumpleto ang drama niya.  Ngunit sa ginawa ay mukhang wala ring balak ito na basta na lang siya pakawalan.  Hinawakan nito ang kanyang kamay na ipinansampal dito. “Alam mo, ngayon lang may nakasampal sa akin,” seryoso nitong wika.  “And I don’t like it one bit.  Dapat kang parusahan.” Tumayo ito at humarap sa kanya.  Saka dahan-dahang inalis ang butones ng suot nitong riding jacket.  Nagrambulan ang daga sa kanyang dibdib. “A-anong ginagawa mo?” “Ano sa palagay mo?” “A-Angelo—“ “Hep!”  Iniharang nito ang isang binti sa sofang kinauupuan niya nang magtangka siyang tumayo.  “Hindi pa kita pinapaalis.  Nakalimutan mo na ba?  Meron pa tayong kasunduan.  At dinagdagan mo pa lalo ang sintensyang makukuha mo sa akin dahil sa ginawa mo ngayon-ngayon lang.” “Kaya kong p-pagbayaran iyon pero hindi sa…sa naiisip mong paraan.” “Gusto ko ang naiisip kong paraan.”  Hinaplos nito ang nasampal niyang pisngi nito.  “Masakit talaga iyon, alam mo ba?” “Oy, mahina lang naman iyon—“ “Pero sinampal mo pa rin ang isang Angelo Exel Formosa.”  Tuluyan na nitong natanggal ang lahat ng butones ng riding jacket nito.  “Isang malaking pagkakamali ang ginawa mong iyon na hindi ko agad mapapalampas.” Nanlaki ang kanyang mga mata at halos mabingi na siya sa dagundong ng kaba sa kanyang dibdib nang ang butones naman ng suot nitong polo ang isa-isa nitong tinanggal.  Seryoso ang mukha nito.  ‘Yun bang tipong ekspresyon nito kapag nakaharap sa camera.  Nang-aakit.  At ang traydor niyang puso, nagpapaakit naman.   “Hindi ako kasing bait gaya ng inaakala mo,” patuloy nito.  “Marami rin akong kasamaan sa katawan.” “A-Angelo—“ He put down his booted leg and leaned forward.  He had put his arms on the other side of hers, making her a prisoner.  Nang ilapit nito nang husto ang mukha nito sa kanya, pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng hininga.  Sobra na rin ang malakas na pagtibok ng kanyang puso.   Lalo na nang unti-unti itong ngumiti.  “Natatakot ka?  Kaya dapat, huwag kang gagawa ng mga bagay na makakasakit sa kapwa mo.” “S-sorry na…” “Ayoko.  Gusto kong parusahan ka.”  Pagkatapos ay dumapa ito sa kanyang mga hita.  His broad chest was laying flat on her legs.  “Imasahe mo ako at masakit ang mga balikat ko.  Hurry up.” “H-ha?” Nilingon siya nito.  “Madali na lang iyan, Nadja.  Don’t tell me hindi mo pa magagawa.” Magulo.  Magulong magulo ang utak niya nang mga sandaling iyon.  Dahil inakala niyang ang gustong mangyari nito ay…Tinampal niya ang ulo nito. “Aray!  Bakit ba?” “Wala.  Trip.”   Napangiwi na lang ito nang sunod-sunod at malakas niyang idiin ang kanyang kamao sa likod nito.  Pagkatapos ay nanggigigil din niyang pinisil ang balikat nito.  Kung ibang tao lang, siguro ay nagreklamo na sa ginagawa niyang ‘pagmamasahe’ rito.  But Angelo didn’t say anything.  In fact, since nakadapa ito sa mga hita niya, nararamdaman pa nga niya na natatawa ito.   “Baliw talaga…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD