CHAPTER 12

1614 Words
“AW…”  HINIHILOT ni Angelo ang balakang at balikat nito nang pumasok ito ng kusina.  “Nakatulog nga ako, para namang binagsakan ako ng mga hollowblocks paggising ko.  Ang laki talaga ng galit mo sa akin, ano, Nadja?” “Oo.”   “What are you doing?” “Nagluluto ng makakain.” “Salamat.” “Anong salamat?  Para sa akin lang ito.”  Hawak ang gamit na sandok, nagpamaywang siya.  “Pero dahil nakaganti na rin naman ako sa iyo kanina, sige, ano ang gusto mong kainin?” “Porkchop—“ “Pritong itlog na lang.”  Inilapag niya sa harap nito ang pritong itlog.  “Masarap iyan.  Masustansya pa sa katawan.” Nakamot na lang nito ang kilay habang pinagmamasdan ang pobreng itlog sa harap nito.  Hindi niya mapigilang mapangiti.  Katatapos lang niya itong gulpuhin sa kanyang cariño brutal na pagmamasahe rito.  Ngayon naman, pakakainin niya ito ng lutong gusto niya.  Aalma kaya uli ito?   He started putting some fried rice on his plate.  Ilang sandali pa, sa laking pagkamangha niya, ay nag-umpisa na itong kumain.  Hinintay niyang magreklamo ito gaya ng madalas nitong gawin kapag may ginagawa siya para rito.  Ngunit wala siyang narinig na ano pa man dito. Napatingin ito sa kanya.  “What?  Bumubula na ba ang bibig ko?” “Hay naku, asa pa ako,” bulong niya sa sarili bago naupo sa bakanteng silya at sinaluhan ito.  “Masarap, di ba?” “Okay lang.  Para saan ba itong pagkain natin?  Breakfast o lunch?” “Dinner.” “May araw pa sa labas.” “Sige, miryenda.” “Walang kuwenta itong usapan natin.” “Bakit mo pinapatulan?” He leaned back against his seat and grinned.  Akalain mo iyon?  Kaya pa pala ng puso niyang sumirko-sirko pagkatapos ng sandamukal na emosyong naranasan niya kanina?  Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na siya nabigla sa naging reaksyon niya rito.  Wala rin naman kasi siyang magagawa kung kukuwestiyunin niya ang lahat ng nararamdaman niya.  Kaya mula ngayon, hahayaan na lang niya ang puso niyang makaramdam ng lahat ng gusto nitong maramdaman. “Okay din pala ang mag-usap ng mga walang kuwentang bagay paminsan-minsan, ano?” wika nito.  “Nakaka-relax sa utak na laging nag-iisip.” “Ngayon ka lang ba nakipag-usap ng walang kuwenta?” “I don’t know.  Kapag nakikipag-usap kasi ako, ang alam ko may kuwenta lahat ng sinasabi ko.” “Minsan ba sa buhay mo, pumasok sa isip mong napakayabang mo?” “Hindi.  Bakit?” “Dahil mayabang ka.  Katangahan na ang sinasabi mo, pero ang tingin mo pa rin sa sarili mo, napaka-importante ng mga sinasabi mo na kailangang pakinggan ng lahat.” “Well, I want everyone to listen because I have something to say.  Anong masama roon?” “Nakikinig ka ba naman sa mga sinasabi ng ibang tao?” “Minsan.  Kapag interesante ang mga sinasabi nila.” “See that?  Iyan ang tinatawag kong kayabangan.  Gusto mong pakinggan ka ng lahat.  Pero ikaw, makikinig ka lang kapag gusto mong makinig.” “Kayabangan na ba agad iyon?” Mangangatwiran pa sana siya nang ma-realize na tama naman ito.  Bakit ka nga naman makikinig sa mga walang kuwentang bagay?  And he looked intelligent enough.  Kaya siguro naman ay may katuturan ang mga sasabihin o sinasabi nito. Now who’s being bias? “Mayabang ba ang tingin mo sa akin, Nadja?” “Medyo.” “Medyo?” Nagsalin siya ng juice sa kanyang baso.  “’Yung high and mighty attitude mo kasi, nakakairita minsan.  Kung mag-utos ka, para kang hari.  At wala kang puwang para sa mga taong nagkakamali.  I mean, come on.  Ikaw ba hindi nagkakamali kahit minsan sa buhay mo?  Kapag oo ang sinagot mo, ipapasok ko ang ulo mo sa pugon.” Sumubo muna ito ng pagkain at tila hinayaan ang sariling makapag-isip ng isasagot bago ito muling nagsalita.  “Hindi ko alam na ganon na pala ang dating ng mga sinasabi ko.  O ng ugali ko.  Wala naman kasing nagsasabi sa akin na nakakasakit na ako ng damdamin kaya akala ko, okay lang ang lahat.  Ikaw ang unang nagsalita sa akin tungkol sa ugali ko.” “Nadadala na lang siguro ng mukha mo ang ugali mo kaya wala ng sinoman ang nagrereklamo.” “What do you mean?” “You’re too handsome, Angelo.  Kaya imbes na magreklamo siguro ang mga taong nakakaharap mo sa ugali mong iyan, pinalalampas na lang nila iyon.” “Dahil guwapo ako?” “Oo.” Nawalan ito ng imik, tila ba pinag-iisipan ng husto ang mga sinabi niya.  And he was coming up with a not so very good answer.  Ewan niya kung bakit ngunit hindi rin niya nagustuhan na tila nalulungkot ito sa mga natuklasan nang araw na iyon. “Well, look on the bright side, Angelo.  At least you’re not a bad person.”  Kunot-noo siya nitong binalingan.  “Jigger told me you’re nice.  And…I agree with him.” “Kasasabi mo lang na masama ang ugali ko.” “Of course not.  Ang sabi ko lang, mayabang ka.” “Masama na rin ang katumbas nun,” depressed pa rin ang boses nito.  “Ang dami ko palang dapat na hingan ng dispensa.” Habang patuloy itong pinagmamasdan ay parang gusto na niyang haplusin ang mukha nito.  He was such a handsome guy she doesn’t want to see him this sad. “Angelo, its not your fault you acted the way you did.  Sabi mo nga, wala naman kasing nagsasabi sa iyong nakakasakit ka na ng damdamin.  Kung meron mang dapat sisihin doon, sila iyon.  Just like the great philosopher Tracymachus said, the unjust man is truly the just man.  Ikaw ang tama kung walang magsasabing mali ka.” Tinitigan lang siya nito.  At habang lumilipas ang mga sandali ay nare-realize din niya ang ilan pang ugali nitong kayang makapag-compensate sa mga flaws nito.   “Kahit hindi halata, at kahit masama sa loob ko,” nakangiti niyang wika.  “Sweet ka.” Her heart seemed to fly when his face lights up.  Goodness!  Ganito na ba ang dating nito sa kanya?  Nakasalalay na rito ang kaligayahan niya?  Iniwasan siya nitong tingnan nang mapangiti ito.   “That’s really cute of you, Nadja.” “So…bati na tayo?” “Bakit?  Magkaaway ba tayo?” “Ikaw lang ang umaaway sa akin.” “Kailan kita inaway?” “Nang magbigay ka ng petisyon kay Reid na paalisin ako rito sa Stallion Riding Club.” Sumandal uli ito sa kinauupuan nito.  “Ikaw naman kasi, hindi mo na nga ako inasikaso, inasar mo pa ako.” “E…” “I was buying flowers for my Mom.  I was sad that day because it was her death anniversary.  Kaya pasensiya ka na kung isa ka sa nakatikim ng kasamaan ko nang araw na iyon.” Kinarate at pinagsisipa siya ng kanyang kunsensiya.  “Sorry…” “Forget it.  Nakaraan na iyon kaya kalimutan mo na lang.” “Ako ang masama rito.  Grabe, gaga talaga ako minsan.”  Nakita niya ang boquet of tullips na nakalapag sa mesita sa sala.   Kinuha niya iyon at tinanggal sa pagkakatali.  Pagkatapos ay naghanap siya ng magandang vase roon at doon inilipat ang mga bulaklak.  Ibinuhos niya ang lahat ng kaalaman niya sa flower arranging para mapaganda ang mga bulaklak at hindi niya iyon tinigilan hangga’t hindi siya nakukuntento sa itsura ng mga tullips. “You don’t have to do that, Nadja.” “Nahihiya ako sa iyo.  Pati na sa kaluluwa ng mommy mo.  Inisip ko pang ikaw ang pinakamasamang nilalang nang araw na iyon dahil sa ginawa mo laban sa akin.  Pero dapat lang pala talaga ang nangyari sa akin.  Kulang pa ang ginawa mong p**********p sa akin sa ginawa ko sa iyo.” “Nadja.” Kinusot niya ang mga mata na nagtutubig na.  “If this wasn’t enough, kukuha pa ako sa Picka-Picka para maipadala mo sa puntod ng mommy mo.” “That’s enough.” Pinagmasdan niya ang ngayon ay maayos ng mga bulaklak ng mga tullips.  Naramdaman niyang inalalayan na siya nito sa kanyang braso para tumayo. “That’s enough, Nadja,” bulong nito malapit sa kanyang tenga, gaya nang bulungan siya nito noong nakasakay sila sa kabayo nito. And then she felt his hands lightly touched her shoulders.  Her heart jumped and she suddenly moved away from him.   “Ahm, k-kung wala ka ng iuutos ngayon, babalik na ako sa Picka-Picka.”  Hindi niya ito matingnan nang diretso dahil hindi rin siya sigurado kung ano ang maaari nitong makita o mabasa sa kanyang mga mata.  “Kung pupunta ka sa puntod ng mommy mo para dalhin ang mga bulaklak na iyan, dumaan ka na rin muna sa shop.  Gusto ko ring magbigay ng bulaklak para sa kanya.  Sana hindi niya ako dalawin sa gabi.” Sinubukan niyang tumawa subalit masyadong apektado ang puso niyang hindi nakapaghanda sa paglapit nito sa kanya.  Ano ba?  Bakit ang laki ng kinalaman dito ng puso ko?  I’m inlove with someone else, ain’t I?  So what’s with this heart thing issue with Angelo?  Asar!  Ang dami na namang tanong na wala naman siyang maisagot. “Sige, magpahinga ka na,” wika nito.  “Dadaan na lang ako sa Picka-Picka mamaya.” “Okay.”  Ilang segundo rin ang lumipas bago siya kumaripas ng alis dahil sa kabog ng kanyang dibdib.  “What’s wrong with me?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD