DYING INSIDE TO HOLD YOU: BOOK2. MATTHEW & KIERSTENN 28 Halos di mapakali si Ten ten sa may balkonahe dahil sa kahihintay kay Matthew. Nanlalamig na nga ang kanyang mga palad dahil sa tensyon na kanyang nararamdaman. Kinakabahan siya na excited na naiinis na basta hindi niya maintindihang emosyon na nasa kanyang kaloob-looban. Napapitlag pa siya nang makita ang kotse ng binata na dumating. Sunud-sunod ang kanyang paglunok nang makita ang binata na papasok na sa loob. Saka lang niya naisipang umatras at hindi niya kayang harapin ang binata. Hindi niya rin maintindihan ang kanyang sarili kung bakit niya nagawa kanina ang ganoon. Naisipan na niyang pumasok sa kanyang kwarto, pahakbang na sana siya nang makitang nasa harapan na pala niya ang binata. Nagkatitigan sila at pawang walang may gust