DYING INSIDE TO HOLD YOU:BOOK2 MATTHEW & KIERSTENN 27 Dalawang araw at dalawang gabi nang hindi umuuwi si Matthew sa Villa. Araw-araw din niyang hinihintay ang pagbabalik nito. Minsan nga ay para siyang baliw kapag nakakarinig siya ng sasakyan na dumadating. Siya naman si tanga, tatakbo sabay silip kung si Matthew na nga ang dumating. Lagi na nga siyang tinutukso ni Grace pero todo deny pa rin siya kahit alam niyang obvious na obvious na ang kanyang mga ikinikilos. Napatigil siya sa kanyang pagmumuni-muni nang makita niyang may dumating na pulang kotse. Tinanaw niya ito at nakita niyang bumaba mula roon si Joyce. Napataas ang kanyang kilay at agad naglakad para salubingin ang higad. Kapag nagkamali ito ay titirisin niya hanggang sa maubusan ito nang dugo. Nakita niyang natigilan si Joyc