Matthew & Kierstenn 23 Buong magdamag na hindi nakatulog si Matthew sa kakaisip kung paano niya ulit ito paamuin. Ibinilin niya sa baba bago siya umakyat na kahit anong pakiusap ng dalaga ay 'wag na 'wag nila itong ihahatid. Inis siyang bumangon at nakabusangot ang kanyang mukha. Dumiretso siya sa mini gym para magpawala nang stress. Agad siyang nag-push up nang mabilis. Sakto namang papalabas si Tenten sa pintuan nang mahagip ito nang tingin ni Matthew. Nataranta siya lalo at wala sa loob na hinubad niya ang kanyang damit. Napansin din iyun ni Tenten. Napaismid siya ngunit tumututol ang kanyang mga mata. "Hi!" Bati ni Matthew sa dalaga. Hindi siya nilingon ng dalaga. "Ahhmm.. i'm sorry kagabi kinausap ko na si Joyce," patuloy na wika nito. Nilagpasan lang siya ng dalaga. Tumikhim s