Dying inside to hold you book2 Matthew and Tenten Nanginig ang buong katawan ni Tenten nang malingunang yumakap si Joyce kay Matthew. Inilang hakbang lang niya papunta sa kinaroroonan ng dalawa at nasa harapan na siya ng mga ito. Lumaki ang mga mata ni Matthew at agad itinulak si Joyce. "Tenten!" Bulalas ni Matthew. "What' s the matter with you?" Inis na baling ni Joyce sa kanya. Hindi siya umimik at mas lumapit pa siya sa dalaga. Agad niya itong hinila at isinalya. Gulat naman si Joyce sa ginawa sa kanya ni Tenten. "Ano bang problema mo!" Asik na wika ni Joyce kay Tenten nang makabawi ito sa pagkabigla. "Ikaw ang problema ko!" Inis na sagot ng dalaga. "Tenten!" Awat sa kanya ni Matthew. "Tumigil ka!" Galit ding baling ng dalaga sa binata. Natigilan si Matthew dahil sa nakita ni