CONOR ISAAC NANG mag-CR siya ay naupo ako sa isang silya sa kusina. Naghihintay lang ako dahil ako ang susunod sa kanya doon. Naiwan niya ang kayang cellphone sa mesa ngunit hindi ko naman ugaling makialam sa gamit niya kahit pa sabihin kong nobya ko na siya. Maaari niyang pakialaman ang gamit ko ngunit ako ay mayroong hiya na pakialaman ang gamit niya. Para sa akin, sa isang relasyon, hindi naman masamang mayroon pa ring privacy sa isa't isa. Basta't ang privacy na iyon ay hindi magdudulot ng ikasisira ng relasyon. Habang naghihintay ako ay maka-tatlong beses nag-vibrate ang cellphone niya sa mesa. Tiningnan ko iyon at mula iyon sa nagngangalang Analisa. Sasagutin ko sana ngunit hindi ko naman iyon kakilala kaya't minabuti kong huwag na lang munang pakialaman iyon. Hanggang sa sunu