MADGET MAGING ako ay hindi makapaniwala na nasabi ko ang bagay na iyon. Sa dinami-rami ng pwede kong i-suggest na ireregalo niya sa akin bukas sa kaarawan ko ay engagement ring pa talaga? Hindi ko kayang bawiin ang nasabi ko na dahil seryoso ang pagkakasabi ka niyon sa kanya. Kaya naman ngayon ay hindi ko alam kung paano ko sasabihin na huwag na lang pala. Kumurap kurap ang mga mata ko at saka ako tumingin sa kanyang mga mata. Mayroong ngiti doon, kita ko ang pagkagulat ngunit nakita ko rin ang excitement mula sa kanya. So now, what will be my next move? Sasabihin ko bang joke lang? Hindi kasi okay para sa akin na ang babae ang magbibigay motibo para mag-propose ang isang lalaki. Dapat galing iyon sa puso niya, at lalong lalo na sa kanyang sariling plano. And suggesting him to propo