Kabanata 38

2302 Words

MADGET SO engaged na ako. Ang bagay na kailanman ay hindi ko naisip na mangyayari sa akin ay nangyari na nga. Hindi man ganito iyong napapanood ko sa mga pelikula o sa mga nangyayari sa mga kwento, at least kakaiba ang naging engagement ko, sa loob pa ng banyo. Nagkakape kami sa kusina, nakatulala lang ako habang nakatingin sa aking engagement ring. Gusto kong tanungin kung magkano iyon pero nahihiya ako. Pero sa style at sa tingin pa lang ay mukhang mamahalin na iyon. "Gustong gusto mo talaga ang engagement ring na iyan ah," komento ni Conor na ngayon ay nakatingin pala sa akin. Naituon ko sa kanya ang mga mata ko at saka ako napangiti bago ako tumango. "Ito nga iyong una kong sinabi kahapon di ba? Obvious pa ba?" Wika ko saka ko itinaas ang kamay ko na mayroong suot na singsing. H

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD