MADGET "ANAK!" Umiiyak si Tiya Felisa na nagsalita sa kabilang linya. Hindi ko kayang pakinggan kung ano ang susunod niyang sasabihin kaya naman napapikit na lang ako at nabitawan ang cellphone ko. Umiiyak na naman akong tumingin sa langit at ngayon, wala nang galit, mahirap tanggapin pero parang ito talaga ang nakasulat sa tadhana. Ngumiti ako ng mapait saka ako yumuko at pigil na pigil na umiyak ng umiyak. Ang saklap naman ng tadhana, ang saklap ng kapalaran ko, ang pait ng buhay ko. Nilubos ko na ang pag-iyak dahil ayaw ko na, ayaw ko na sa sitwasyon na ganito. Kaya't nang matapos iyon ay kailangan ko namang tanggapin na wala na si Conor sa buhay ko. Pinalipas ko pa ang ilang sandali bago ako bumaba sa rooftop. Pakiramdam ko ay hindi ko kayang ihakbang ang mga paa ko dahil sa p