MADGET NATAPOS ang maghapon na hindi man lang ako nag-react sa mga ginawang hakbang ni Sgt. Balderama. Nag-observe lang talaga ako sa mga plano niya at sinadya kong hindi magbigay ng mga inputs upang sa gano'n ay klaro sa akin kung ano ang magiging kahihinatnan ng mga mangyayari pa sa susunod na mga araw. Now, nasa shop na ako at hindi ko rin talaga alam kung paano ako haharap kay Conor. This is another battle and sa ayaw at sa gusto ko ay makikita at makakausap ko na naman siya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya kapag tinanong niya ako kung bakit bigla na lang akong nanlamig kagabi. "Anong isasagot mo sa kanya?" I am asking myself habang nakatitig lang ako sa salamin. Nakaupo ako sa swivel chair at naghihintay lang ng oras at tawag mula kay Conor kung susunduin ba niy