MADGET TATLONG araw pa ang hinintay bago tuluyang makalabas ng ospital si Conor. Hinintay munang tuluyan na siyang gumaling bago siya payagan ng doctor. Ayon sa kanya aya hindi na raw siya gagaling ng husto kung parati siyang nasa ospital. Kailangan niya rin talaga ng natural na pagpapagaling katulad ng pagiging normal sa mga ginagawa at kanyang pagkain. So, tuluyan na rin siyang pinayagan ng doctor. Sa ngayon, hindi muna kami titira sa inuupahan naming kwarto dahil hindi pa siya pwedeng mag-motor motor sa labas. Kaya naman sa bahay na lang muna siya at doon ay magre-recover na ng tuluyan. "Kung dito ako magpapalakas, dapat dito na rin titira si Madget," request niya kay nanay Romely. "Kayo lang naman ang pwedeng magdesisyon diyan anak, total, engage naman na kayo, nasa tamang edad n