MADGET DAHAN dahan akong naglalakad papunta sa room 41. Hindi ko pa rin alam kung paano ko sasabihin kay Conor na buntis ako, na siya ang ama ng dinadala ko. Parang mayroong pumipigil sa mga paa ko na magpatuloy na lumapit sa kanya. Sa totoo lang ay mayroon akong pagdadalawang-isip ngayon dahil baka hindi niya ako tanggapin, dahil baka sa mga sandaling ito na siya ay galit sa akin ay baka madamay ang bata at hindi rin niya ito tanggapin. Room 39. Isang room na lang ang pagitan, huminto ako doon at saka ako tumayo. Saglit akong pumikit at saka ako nag-isip ng mabuti. Kahit mayroong mga dumadaan ay hindi na ako tumabi dahil wala na rin akong pakialam ngayon sa paligid ko. Hanggang sa parang nagkusang umatras ang mga paa ko at bago ako tuluyang maglakad paalis ay huminga ako ng malalim a