MADGET HINDI ako dalawin ng antok dahil sa mga nalaman ko. Saglit na nawala sa isipan ko ang mga nasabi sa akin ni Conor. Alam kong dala lang iyon ng nasaktan niyang damdamin kaya't hinayaan ko na lang muna siya. Ibinibigay ko na lang muna sa kanya ang panahon na ito para mag-isip isip. Naka-ilang balikwas na ako sa aking higaan pero wala pa rin talaga, hindi pa rin ako makatulog. Kaya naman bumangon na lang ako at lumabas ng kwarto para magkape. Alas dos na pala ng madaling araw. Dala dala ko sa kusina ang envelope na ibinigay sa akin ni Ignacio. Habang nagkakape ako ay iniisa-isa kong tingnan ang mga detalye ng dokumento. "Matibay na ebidensya ito," sabi ko pa. Humigop ako ng kape at bigla kong naalala ang araw kung kailan na-hit and run si Conor. Hanggang ngayon ay hindi pa rin