BIANCA Magkasama kaming umakyat dito sa hotel room ni Mateo. Nagpaalam siya sa akin na maligo muna. Ako naman, sinubukan kong tawagan si Mavie. Nakahinga ako ng maluwag dahil sinagot na niya ang tawag ko. Sinabi ko sa kanya na tapos na ang kasal ni Sheng at nagkwento ako sa kaibigan ko tungkol sa biyahe ko, at syempre pa, kasama na doon ang nangyari sa amin ni Mateo at ang ginawa naming pagpapanggap na mag-boyfriend para makaiwas sa mga lalaking pinsan ni Sherwin. Malakas na tili ni Mavie ang sumunod na narinig ko sa kabilang linya. Excited siyang marinig ang buong detalye ng kwento ko tungkol sa nangyari sa bakasyon ko dito sa Cagayan. "Bakla, isama mo na ang instant boyfriend mo d'yan sa Cagayan pagbalik dito sa Maynila. Bihira ka lang makatagpo ng ganyan. Ibalot mo na, bago ka pa ma