BIANCA Matapos ang kasal, marami na ang nag-alisan sa mga bisita. Si Sheng ay sumama na rin sa pamilya ng kanyang asawa, kaya kami na lang ang naiwan. Hindi ko napaghandaan ang bagay na ito. Ang nasa isip ko lang kasi ay dadalo ako sa kasal ng kaibigan ko at pagkatapos ay mamasyal kaming dalawa. Ngayon, ano na? Babalik na ba agad ako sa Maynila? Pero may limang araw pa akong natitirang bakasyon. Sinabi ko kay Mateo ang tungkol sa sitwasyon ko. Hindi ako komportableng manatili ng mag-isa dito sa bahay ng mga magulang ni Sheng, at hindi rin ako puwedeng sumama sa kanila ni Sherwin. "It's okay, sumama ka na lang sa akin. Mamasyal muna tayo dito ng ilang araw, at pagkatapos ay sabay na tayong bumalik sa Maynila," nakangiting sagot ni Mateo. "Salamat ha, blessing in disguise talaga na nak