JAKE HERRERA Nadestino na ako sa iba't ibang lugar bago muling nalipat dito sa Bicol region. Anim na buwan na simula nang ilipat ako mula sa Camp Servillano Aquino sa Tarlac, at dito ulit napunta sa lugar na kapag dumadaan ako ay hindi ko maiwasang makaramdam ng pait at sakit sa puso ko. I've been through a lot, pero walang nakakaalam tungkol doon kundi ako lang. I chose to survive despite the most painful heartbreak na naranasan ko sa buong buhay ko, dahil kailangan kong mabuhay para sa pamilya kong umaasa sa akin. Halos anim na taon na ang nakaraan, pero sariwa pa rin sa isip at alaala ko ang maganda at pangit na nangyari sa akin sa lugar na ito. Sa pangalawang pagkakataon, na-destino ako dito sa 9th Infantry Division sa Camp Elias Angeles sa Pili. Sa tuwing pupunta ako dito, galing