Chapter 54

1559 Words

MATEO Nauna akong dumating dito sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal namin ni Bianca, kasama ang mga kaibigan ko. Kanina pa ako binibiro ni Macky dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na darating ang araw na ikakasal ako sa babaeng mahal ko at dahilan kung bakit ilang ulit ko siyang kinulit noong naka-destino pa siya dito sa Bicol. "Ang galing mo talaga, Bok. Grabe rin ang kuwento ng love life ninyo ni Bianca. Talagang hinintay mo siya, at nakaya mong maging single sa loob ng limang taon. Ang tagal noon, 'a.' Ang akala ko nga, bakla ka na," panunukso ni Macky sa akin habang suot ang bagong uniporme na pareho naming ni-request para sa kasal ko ngayong araw. "Sila talaga ang nakatadhana sa isa't isa, Bok," sabat ni Arthur at tinapik ako sa balikat. "True love 'yan,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD