MATAMIS na nginitian ni Patti ang mga empleyado niya sa paligid. Nasa may tabing-dagat pa rin sila at kasalukuyang ginagawa ang photoshoot. Nakamasid siya sa lahat subalit wala talaga sa mga ito ang isip niya. Sa pakiwari niya ay may nakadagan na malaking bato sa dibdib niya. Nahihirapan siyang huminga at mabikat ang kaniyang pakiramdam. "Patti." Nilingon niya ang papalapit na lalaki. Si Andriano, banayad itong nakangiti sa kaniya hawak ang isang buko juice sa kamay. Mariin siyang lumunok nang maramdaman ang bara sa kaniyang lalamunan. Kanina pa nito sinusubukan na kausapin siya, pero iwas siya nang iwas sa lalaki. Matapos ng sinabi sa kaniya ni Maggie kanina, hindi niya alam kung magagawa niyang harapin si Andriano nang hindi ito nasasampal. "Uminom ka muna. Mainint ang panahon, baka

