NAHIHIYANG isinuot ni Patti ang puting polo ni Andriano nang sa wakas ay magising siya. Tumila na ang ulan ngunit papalubog naman ang araw. "Paano iyan? Wala kang damit." Nginitian siya ni Andriano bago hinagkan sa pisngi. "Ayos lang. Hindi ko naman ikahihiyang ibalandra itong katawan ko paminsan-minsan." Napangiti siya matapos ng sinabi nito. Nang mapansin nilang magdidilim na, inaya na niya ang lalaki na bumalik sa hotel. Bago sila umalis ay kinuha ni Andriano ang mga kamay niya. Seryoso at matagal siya nitong pinagmasdan. Sa sobrang tagal ay halos mag-init na ang mga pisngi niya dahil sa hiya. "I have something to tell you." Kinabahan siya nang marinig iyon. Natatakot siya na baka ang sinabi ni Maggie ang sasabihin nito sa kaniya. Paano kung itigil na nito ang pagkikita nila? Ayaw

