NAPANGIWI si Tricia nang simulan lagyan ni Andriano ng gamot ang sugat niya sa tuhod. Maingat ang bawat paglapat nito ng bulak sa balat niyang may malaking gasgas. Bawat lagay ay sinasabayan nito ng pag-ihip ng hangin upang mabawasan ang sakit. "A-aray." "Oh, kawawa naman ang cupcake ko. Masiyadong malaki itong sugat mo." Marahan nitong hinipan ang binti niya habang patuloy pa rin sa paglalagay ng gamot sa sugat niya. "Gumaling ka agad, ah? Huwag mong pahihirapan ang cupcake ko. Huwag kang mag-iiwan nang malaking peklat." Suminghot siya bago mabilis na pinahid ang isang luhang tumakas sa pisngi niya. Buong oras ay may banayad na ngiti sa mga labi si Andriano. Tila ito nagpapatahan ng anim na taong gulang na bata. "Bakit kasi tumakbo ka pa? Tingnan mo nga, wala kang kapeklat-peklat sa k

