Mabilis siyang humakbang papunta sa pinto at agad na lumabas. Diretso siyang nagtungo sa kuwarto niya. Doon ay nagkulong siya at inilabas ang lahat ng hinanakit sa pamamagitan ng pag-iyak. Maririnig sa labas ng silid ang paghagulhol niya habang nakabaon ang mukha sa unan. Pilit niyang pinipigilan ang sarili pero hindi niya magawang huminto. "Letse ka, Andriano! I hate you!" Hindi niya kayang kalimutan ang mga kasalanang ginawa nito, pero para matahimik na lang ang kalooban niya, nakahanda na siyang magpatawad. Pero anong ginagawa ni Andriano? Sarili na naman nito ang iniisip nito. Lagi na lang ang gusto nito ang nasusunod. "Cupcake." Marahang binuksan ng lalaki ang pintuan ng silid niya at pumasok. "Get out! I don't want to see your face! Get out of here!" Mabilis niyang kinuha ang u

