NAGMAMADALING tinawagan ni Patti si Aldrin upang itanong sa lalaki kung nasaan na ito. Sa halip na siya ang pumunta, pinuntahan siya ni Aldrin at ng lalaking Kakausapin nila. Dinala siya ng mga ito sa isang malayong lugar kung saan may maliit na kainan. "Bakit pa tayo nagpunta rito? May espesiyal na pagkain ba silang niluluto rito?" bulong niya kay Aldrin na ikinailing naman ng binata. "Ako ang may gusto na dito mag-usap. Hindi ligtas doon sa siyudad dahil maraming mata si Mrs. Red." Napatango siya sa sinabi ng lalaki. Nilahad naman nito ang kamay at sinabing ito si Rugo, hindi nito totoong pangalan. Nakipagkamay siya rito matapos magpasalamat sa pagpayag na kausapin sila nito. Nalaman niya na dati palang kasapi sa grupo ni Mrs. Red ang lalaki at isa ito sa mga pinakapinagkakatiwalaan

