"Wala ka bang pakialam sa anak ni Andriano?" Natigilan siya sa pag-iisip nang magsalita muli si Marina. Nilingon niya ito, bakas ang pagtataka sa mukha. Bahagyang magkasalubong ang mga kilay. "Ano'ng ibig mong sabihin? Sinong anak ang tinutukoy mo?" Malungkot siyang nilingon ni Marina. "Ma, alam kong sagad sa buto ang galit mo kay Mariano, pero asawa na ni Andriano si Patti. At magkakaroon na sana sila ng anak! Iyong walang kamalay-malay na bata sa sinapupunan ni Patti na namatay, nang dahil sa babaeng tinutulungan mo ngayon!" "Marina—" "Ma, apo mo pa rin ang batang iyon!" "Nananalaytay ang dugo nina Mariano at Patra sa batang tinutukoy mo, kaya hindi ko iyon matatanggap bilang apo." Hindi makapaniwalang tinitigan siya ng babae. Nababahiran ng pagkadisgusto ang mukha nito dahil sa n

