"Kailangan kong mahuli sa akto sina Andriano at Patti." Nakatayo si Maggie sa labas ng kompanya ng Villafuerte Corporation, hinihintay niyang makalabas ng gusali si Andriano. Alam niyang magkikita ang dalawa, at para magawa ang mga plano niya, dapat niyang mahuli sa akto ang mga ito. Nakaramdam siya ng lungkot nang maalala ang nangyari kanina. Pamilyar na kirot ang nabuhay sa kaniyang puso. Para sa anak niya, nakahanda siyang kalimutan ang sariling damdamin, pero matapos masaksihan ang kanina, heto't nasasaktan na naman siya. "Andriano!" Natigilan siya sa pag-iisip at napalingon sa entrance ng company building nang marinig ang boses na iyon. Natanaw niya si Andriano, nakatayo sa bungad ng pintuan at nakangiting sinusundan ng tingin ang papalapit na si Patti. Natuon sa babae ang mga

