LULAN si Maggie ng taxi noong mga sandaling iyon. Dala niya sa kamay ang isang lunch box at ang sling bag niya kung nasaan ang mga sulat na ginawa niya para kay Andriano. Napangiti siya habang nakatingin sa lunch box na pinag-effort-an niyang ihanda. "Hindi ko hihingin na mahalin mo rin ako, sapat nang maging parte kami ng buhay mo." Nakapagdesisiyon siyang hindi na siya makikipagtalo kay Andriano . . . o kay Patti. Kung saan masaya ang lalaki ay susuportahan niya ito, pero sana, sana matanggap nito ang bata sa sinapupunan niya. Si Andriano lamang ang makakapagbigay ng buhay na hindi niya kayang ibigay sa bata. Kailangan niyang makuha ang loob nito. Malapit na siya sa kompanya ng lalaki nang maagaw ang atensiyon niya ng dalawang taong naglalakad sa tabi ng daan. "Manong, para!" Mabili

