NAIHAGIS ni Andriano ang mga dokumentong hawak niya. Napatayo siya at kuyom ang mga kamaong tumitig sa kawalan. "Goddammit!" Malakas niyang hinampas ang dalawang kamao sa ibabaw ng mesa matapos ipagtatapon ang mga bagay na mahawakan niya. "S-sir, please, calm down—" "How can I calm down? Sabihin mo kung paano!" dumagundong ang boses niya sa buong opisina niya. Maging ang mga empleyado sa labas ay natigilan at napatingin na rin sa kaniyang office. "How the f*ck did this happen? Paano!" Napapikit si Carol kasabay nang paghugot nito ng hangin. "Dahil sa sunod-sunod na pangyayari regarding the company and you, nawalan ng tiwala ang ibang maliliit na shareholders natin. I heard that this Mrs. Red came to them and convinced them to sell their shares to her." "At ibinenta naman nila? We ar

