"Siya ang . . . hari ng mga baraha?" Matapos iabot sa babaeng bartender ang isang card, natigilan siya at napalingon nang marinig ang malakas na boses ni Aldrin. "Patti! Panalo tayo!" Itinaas nito ang isang nakakuyom na kamao. Umawang naman ang mga labi niya kasabay nang pagsilay nang malaking ngiti sa mukha. Agad siyang umalis sa kinauupuan matapos tanguan ang bartender. "Nanalo ka? Talaga? Walang biro? Walang daya?" Mabilis na naglaho ang ngiti sa mukha ni Aldrin. "Ano namang klaseng tanong iyan?" Natawa siya bago marahan na hinampas si Aldrin sa braso. "Ano ka ba? Nagbibiro lang ako!" Nasa kalagitnaan pa sila nang pagsasaya, muli na naman siyang natigilan nang lapitan sila ng nakatunggali ni Aldrin. Halatang iritable ito dahil sa pagkatalo nito, pero nilahad pa rin ang kamay, ti

