HINDI MAKAPANIWALA si Patti habang sakay sila ng sasakyan ni Aldrin at nasa daan na pauwi. "Certified sugarol ka pala. Hindi mo agad sinabi." "Kapag sinabi ko ba, hindi ka maf-fall sa akin?" Natawa siya sa sinabi nito. Bitbit niya sa dalawang kamay ang bote ng mamahaling red wine at isang wine glass. Sunod-sunod na pagkapanalo ang nangyari kanina sa kanila. Naniniwala na talaga siya na si Aldrin ang hari ng baraha. Hindi yata bababa sa isang milyon ang naipanalo nito kada laro na sinalihan nito. "Kung ganito ka kadaling magkapera, bakit ka pa nagnakaw sa mga lalaking nanaksak sa iyo?" "Hindi nga ako nagnakaw! Hinahabol nila ako dahil sa ibang dahilan." Nilingon niya ito matapos uminom ng alak. Malapit na sila sa Amadeo noong mga sandaling iyon. "Ano naman?" Hindi agad sumagot si A

