TUMIGIL ang kotse ni Patti sa harap at saka lumabas ang employee niyang nagmamaneho nito bago magalang na nagpaalam. Umikot si Aldrin sa driver's seat, subalit bago pa man makapasok ay natigilan ito nang makitang nakatayo pa rin siya at nakatanaw sa malayo. "Oi, hindi ka ba papasok?" Walang ganang nilingon niya ang binata at inilingan. "Mauna ka na. May kailangan pa akong bilhin." Umihip ang malakas na hangin, inipit niya ang ilang hibla ng buhok sa likuran ng sariling tainga bago tumakbo patungo sa pinakamalapit na bakeshop. Ilang minuto lang ang itinagal niya, matapos bumili ng makakain, patakbo rin siyang bumalik sa opisina ni Andriano. "Hi! I'm back!" Natigilan naman ang lalaki nang makita siya nito. Kapansin-pansin ang gulat sa mukha nito. Nakuha rin ang atensiyon niya ng hawak

