YAKAP ni Maggie ang sarili habang nasa ilalim ng shower. Nakabukas ang cell phone niya at rinig na rinig niya ang mga sermon ni Mrs. Red sa kabilang linya. Tila wala siya sa sarili habang dinadama lang ang pag-agos ng maligamgam na tubig sa katawan niya. "I'm giving you the permission to seduce my son! Do it or else, itatapon kita 6 feet under the ground!" Mula sa kawalan ay nabaling ang paningin niya sa cell phone na nasa ibabaw ng pabilog at maliit na wooden table. "Tandaan mo ang ginagawa ko sa mga taong wala nang silbi sa akin! I dispose them!" Tuluyan nitong tinapos ang tawag. Naging tahimik naman sa buong paligid. Doon tumalim ang mga mata niya. Lumabas siya ng shower room matapos patayin ang tubig. Hindi na siya nag-abalang takpan ang katawan dahil mag-isa lang naman niya sa l

