ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Patti habang naglalakad sa tabi ng daan sa loob ng private subdivision. Ayaw niyang makita si Andriano kaya siya na ang umiwas dito. Ayaw rin niyang makausap ito dahil hindi niya masisigurong mapipigilan niya ang sarili sa pagkumpronta sa lalaki tungkol kay Maggie. Lahat ng hula at mga pagdududa, maging ang mga gabing wala siyang tulog dahil sa anxiety, nagkatotoo ang mga iyon. Niloloko siya ni Andriano at si Maggie ang kabit nito. Matagal na oras siyang nag-ikot-ikot sa loob ng subdivision, pagkatapos ng mahigit kalahating oras, bumalik siya sa mansiyon. Nakahinga siya nang maluwag nang sa pagbalik niya, nalaman niyang wala na si Andriano. "Ma'am Patti, mag-agahan na po muna kayo." Tangan ni Lucia sa kamay ang isang tray na puno ng p