NASA isang seafood restaurant sina Patti at Andriano at abalang kumakain. Napapansin niyang manaka-naka ang pagtigil ng lalaki sa pagsubo para titigan siya nito. Hindi naman siya nagpahalatang napapansin niya ang ginagawa ng lalaki. Patuloy lang siya sa pagkain at sa pag-inom ng sabaw. Tumikhim si Andriano para makuha ang atensiyon niya. "Thanks for saving me. Na-realize kong hindi pa kita napapasalamatan. Wala ako rito ngayon kung hindi dahil sa iyo." Tinanguan niya ito pero lihim siyang napangiti kasabay nang pag-ipit ng buhok sa likuran ng tainga niya. "Huwag mo nang isipin iyon. Ang importante, ligtas ka na." Ilang sandali silang nagkatitigan matapos ng mga sinabi niya. Pakiramdam ay init na init ang mga pisngi niya sa paraan ng pagtitig ng lalaki. Tumango naman si Andriano nang m

