AFB 24

1367 Words

NAGMAMADALING sumakay ng taxi si Patti nang sandaling makalabas siya ng ospital. Matapos sabihin ng doctor na may problema sa bahay-bata niya kaya hindi na siya maaaring magbuntis pa, agad na siyang nagpaalam dito at umalis. Hindi siya pinigilan ni Andriano, ni hindi siya tinangkang sundan nito. Naiintindihan niya ang lalaki. Sa sandaling iyon, alam niyang space ang kailangan nilang pareho. Tumigil ang taxi sa isang public beach hindi kalayuan mula sa Metro Manila. Naupo siya sa isa sa mga malalaking bato roon at nag-isip. Malaya niyang pinagmasdan ang malawak na karagatan. Maliban sa paghampas ng alon sa dalampasigan, ang tawanan at sigawan ng mga bata sa paligid ang naririnig niya. Akala niya, wala nang sasakit pa sa naramdaman niya habang nakatitig siya sa lapida ng anak nila. Subali

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD