NAPANGITI si Andriano nang abutan nito si Carol sa loob ng opisina niya. May inilalagay ang babae na isang kahon sa ibabaw ng desk niya. "Oh, ano iyan?" Natigilan ito at nilingon siya saka mabilis na nginitian. "Naihatid mo na si Ma'am Patti?" Naupo siya sa desk chair niya bago kinuha ang kahon. Sinipat niya ito pero wala man lang nakalagay kung galing iyon kanino. Simpleng kahon na binalutan lang ng pulang mamahaling papel. "Ah, dinala iyan ng guard kanina lang. Para daw sa iyo." "Kanino raw galing?" Nagkibit-balikat ang dalaga. "Hindi sinabi ng nagpapabigay, e." Natigilan siya sa narinig. Mabilis na nagbalik sa kaniya ang nangyari sa restaurant ng asawa. Nang akmang bubuksan na niya ang box ay muli na naman nagsalita si Carol na ikinatigil niya. "Sir, tumawag muli ang secretary

