TUMIGIL sa harap ng office table ni Carol si Patti at may ilang segundong tinitigan ang ibabaw ng mesa nito na puno ng files at iba pang office supplies. Wala na naman ang babae sa desk nito. Mula roon ay bumaling siya sa pinto ng opisina ni Andriano. Magkasama na naman ba ang dalawa? Sekretarya ng asawa niya si Carol kaya hindi na iyon nakapagtataka, pero matapos malaman na nagka-fling ang dalawa sa loob nang tatlong taong inakala ni Andriano na patay na siya, hindi na siya matahimik sa tuwing nasa office nito ang lalaki. Kaya nga araw-araw siyang dumadalaw sa opisina nito upang ipaalala kay Carol na off-limits ito kay Andriano. Tuluyan siyang lumapit sa pinto at hindi na nag-abalang kumatok bago ito mabilis na binuksan. Natigilan sa pag-uusap ang dalawa at napalingon sa kaniya. "Hi,

