Akmang magsasalita pa ang babae pero agad na siyang sumingit at nagpaalam dito. Ayaw niyang mapahaba pa ang usapan dahil nag-aalala siya para sa asawa. Nais niyang mapuntahan ito agad. Halata naman na nadismaya ang babaeng si Helena, mukhang gusto pa siya nitong kausapin. Ngunit ngumiti pa rin sa kaniya ang babae at kumaway pa para magpaalam. "I'll see you again!" Nabitin ang pagbukas niya ng pinto nang wala sa sariling mapalingon sa dalaga. Nakangiti pa rin ito, namumula ang magkabilang pisngi habang nakatingin sa kaniya. Tinanguan naman niya ito. "Yeah, see you around." Isang mahabang buntong-hininga naman ang pinakawalan niya nang muling tawagan ang numero ni Patti. "Why isn't she picking up her phone?" Paulit-ulit niyang d-in-ial ang number nito nang makalabas ng restaurant, su

