NAPASINGHAP si Tricia nang maramdaman ang nanggigigil na pagpisil ni Andriano sa kabilang pisngi ng p***t niya. Natigilan siya at mabilis itong hinarap. Sinalubong siya ng mga labi nito na agad niyang tinugunan ng halik. "Ikaw talaga!" Kinurot niya ito sa tagiliran bago nahihiyang tumingin sa paligid. Nasa labas sila ng company building nito. Papasok na sana siya sa kotse niya at ito naman sa sariling sasakyan, pero sadyang malandi ang lalaki. "Tingnan mo, pinagtitinginan na tuloy tayo." "Sa susunod, inggitin pa natin lalo." Kinindatan siya ng lalaki bago pinagbuksan ng pintuan. "Sige na, pasok na. Ayaw mong magpahatid, e." Malapad niya itong nginitian. "Goodluck with your meeting, baby!" Muli siyang dinampian nito ng halik sa pisngi bago siya tuluyang nakapasok sa loob ng kotse. "Th

