NAUPO sa harap ng sariling desk table si Andriano, nakakrus ang dalawang braso sa tapat ng matitipuno niyang dibdib. Halata sa mukha niya ang malalim na pag-iisip. Nang sandaling makapasok si Carol sa opisina niya, agad siyang napatayo at ipinasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa, nakaarko ang isang kilay sa sekretarya na tila hinihintay ang sasabihin nito. "I'm sorry I didn't tell you immediately. You were busy with a lot of things and—" "It's okay," putol niya sa pagpapaliwanag ng dalaga. Lalo niya itong nilapitan at tinanguan nang isang beses. "Well?" "Her secretary called the other day. Gusto nilang makipagkita sa iyo." "Nalaman mo ba kung sino si Mrs. Red?" Bumuntong-hininga ang babae bago umiling. "I tried everything to meet her, pero sadyang mailap siya. Makikipagkita l

