AFB 69 |2|

1261 Words

"Sumama ka sa amin!" Mabilis na namilog ang mga mata ni Patti sa narinig. Nang akmang tatakpan ng isang kamay na may panyo ang bibig niya, mabilis niyang iniwas ang mukha niya at sinubukang sumigaw. "Tulong!" Mas nagpumiglas pa siya at nang magawang lumuwag ang hawak ng lalaki sa kaliwang braso niya, pilit siyang bumaling sa kanan at sinipa sa gitna ng mga hita nito ang lalaki roon. Nakagat nito ang ibabang labi bago napaluhod sa semento habang hawak ang itlog nitong nabasag. "Patti! Bitiwan n'yo siya!" Natigilan naman siya, maging ang mga lalaki nang marinig ang malakas na sigaw na iyon. Nang bumaling siya sa harap ay nakita niya ang mabilis na pagtakbo ni Aldrin papalapit sa kanila. Napasinghap siya at mabilis na umilag nang bigyan nito ng flying kick ang lalaking nasa kaliwa niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD