MARIRINIG sa mahabang hallway ng mga kuwarto ang ingay na nililikha ng takong ng sapatos ni Maggie. Maarte itong naglalakad patungo sa elevator, naghahandang umalis para pumunta sa Amadeo. Agad na gumuhit sa makahulugang ngiti ang mga labi nito nang makita si Hilda sa labas ng elevator, mukhang paalis na rin ang babae. "Good to see you here, tita!" Nagmamadali niyang nilapitan ang babae bago pinulupot ang isang kamay sa braso nito. "Tamang-tama! I need my money. You need to give it to me, now." Nagbuga ng hangin si Hilda at saka kalmadong pinalis ang kamay niya. "Napag-usapan na natin ito." Naiiling siyang ngumiti nang makahulugan. "Oh, tita! Oras na malaman mo ang binabalak kong plano, paniguradong matutuwa ka!" Sa sinabi niya ay nilingon siya nito. "Ano'ng plano ang sinasabi mo?" "

