BITBIT ang kulay dilaw na branded handbag, maarteng pumasok si Maggie sa loob ng dining room saka naupo sa tabing silya ni Hilda. Mabilis naman nagsalubong ang mga kilay ng babae nang makita ang suot niya. "Ano bang klaseng damit iyan? Halos kita na ang kaluluwa mo sa ikli ng tela!" Iritadong ibinaba nito ang tasa ng kape. Umikot ang mga mata ni Maggie. "Wala ka talagang alam sa fashion, tita! Ito ang uso ngayon!" Nakasuot siya ng bulaklaking croptop at fitted skirts. Tinernohan niya ito ng shoes na mataas ang takong at branded rin. "Nagmumukha kang p****k. Magpalit ka ng damit. Huwag mong dungisan ang pangalan ng pamilya namin!" Bigla itong natigilan at muling napairap. Napapakamot pa ito ng ulo bago sumenyas sa isang katulong na salinan ng juice ang baso nito. "Uhm, tita, I have a

