NAKANGITING inilapag ng dalagang si Carol ang kapeng tinimpla nito para sa kaniya. Nagpasalamat naman siya sa babae habang ang mga mata ay nakatuon pa rin sa monitor ng laptop niya. "Mukhang busy na naman kayo ngayon, sir, ah? Mag-unwind ka naman paminsan." Mula sa laptop ay nag-angat siya ng paningin sa mukha ng sekretarya. Kinuha niya ang tasa ng kape at humigop bago nakangiting umiling. "Alam mo naman minsan sa isang linggo, ginagawa ko iyan. I'm glad that after everything we've been through, Villafuerte Corporation is now on top." Lumapad ang ngiti sa mga labi ni Carol. "At nang dahil iyon sa iyo! Tayo na naman ang number one corporate sa bansa! Tuloy, laman ka na naman ng halos lahat ng magazine!" Napangiti siya sa sinabi ng dalaga bago ibinalik ang mga mata sa ginagawa sa laptop

