MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Patti habang nakaupo sa pinakalikuran ng bus at nakatanaw sa labas. Kanina pa siya hindi mapakali. Hindi niya alam kung bakit pero kumakabog nang malakas ang dibdib niya na halos hindi na siya makahinga. Binawi niya ang paningin at bumaling sa harap. Walang particular na bagay na tinitingnan ang mga mata. Nakatulala lamang siya. Matapos ng isang araw na pananatili niya sa loob ng morgue nang walang tulog habang binabantayan ang ama, agad niyang inasikaso ang libing nito. Simula nang mawala ang itay niya, wala pa siyang tulog at hindi rin makausap nang maayos. Lagi lamang walang imik at nakatitig sa kawalan. Kahit papaano, hindi naman siya pinabayaan ng kaibigang si Mae-Mae at pati ng mga kapit-bahay nila. Nagdesisiyon lang siyang umalis ng A

